Yung personal space ko nasira na.

Bat ba hindi mabuksan ng mga tao yung isipan nila?

Hindi ‘to sakit. Hindi ito epidemya.

Kung ganun man ang opinyon mo, pasensya na wala pang natatagpuang bakuna.

Lahat kayo sa palagay niyo mali ang ginagawa ko,

Hindi ba pwedeng mag-mahal na lang yung tao?

Akala niyo hindi ako seryoso,

“Niloloko pa nga ang sarili ko”,siguro.

Iniisip mo ngayon ginawa kitang balbas…

Panakip lamang ng butas.

Pero sobrang seryoso ako…

At iniisip ding mamahalin mo pa ako.

Sa dala-dala mong saradong utak,

Habang buhay na sakin tatatak,

Na walang kahit sino man sa mundo ang maaring tumanggap sa amin.

Wala ng babaeng magmamahal sa akin.

Oy, Tay!

Nung bata pa ako (Totoy Bibo?) kapag PTA sa school, palaging si Tatay yung ine-elect nila as president. Napag-usapan namin kanina ng kapatid ko, pati pala nung siya palagi ding pinipili si Tatay para sa posisyon. Weird. Nakakahiya. Nakakatuwa. Naalala ko din nung 4th year high school ako, akala nung ibang.mga parents mayor si Tatay. Gano ako kaspecial non? Ha ha
Ngayon, umuwi siya galing sa simbahan. Kinwento niya na yearly, kapag Fathers’ Day, kinukuha siyang mag-offer sa simbahan. Baka dahil mukha talaga siyang mayor. Nakakatawa na pati siya, pinagtatawanan na lang niya yung mga experiences niyang ganon.
Ang sarap lang kasing balikan how special we were kay Tatay simula bata pa kame. Kung pano siya nag-evolve from Tatay na pumuputol ng 3-5 na plastic na hangers sa mga anak everytime na uuwi kami ng madilim na hanggang sa Tatay na tahimik at nakikinig na lang sa mga sumbong at kwento ng mga anak niya. Sobrang special din kasi si Tatay para samen. Para saken. Yung bunso, hanggang 2nd year high school, hindi humihiwalay matulog sa kanya. Ako naman, napansin ko lang na mas naging open ako sa kanya sa mga bagay-bagay (lalo na nung nabugbog ako last year, aruy!), yung sumunod sa panganay, kay Tatay din sobrang close, ganun din yung panganay. May Kuya ako, ok, pero wala siyang interes sa mga magulang niya. Bigyan ng jacket!
Kaya naman, Banitoy, maraming salamat sa suporta sa mga ginagawa ko ngayong lumalaki na ko. Habang nagbbloom mga mga bulaklak na inalagaan niyo ni Nanay, paunti-unti nalalanta na kayo. Kaya hindi niyo mararanasan kahit kailan, mula saken, na hindi ko kayo tutulungan. May problema man ako financially, at mentally damaged ‘tong anak niyong ‘to, sobrang mahal na mahal ko kayo ni Nanay.
Happy Father’s Day, Tay! 

To Whom this may Concern

Ginagabi na naman daw ako sabi nila Nanay at Tatay (strict kashi shila). Nagagalit sila day by day kase kung umuwi nga naman ako, 7PM okaya 8:30 na ng gabi. Weird. Kase yung school kung san ako nagtuturo, yung lipat lang na subdivision ng baranggay namen. Pero sige, Nay, Tay, and to whom this may concern, eto na ang schedule ko no:

5:30AM-6:00AM- babangon, magkakape, magyoyosi

6:01AM-6:30AM- maliligo, magtutoothbrush, magbibihis, mag-aayos

6:31AM-6:45AM- bbyahe na papasok ng school (kasi daw 15 minutes bago yung first class nasa school na)

6:46AM-7:00AM- nakanga-nga sa school

7:01AM-4:00PM- may mga classes saka may iilang break siguro

4:01PM-5:00PM- nakanga-nga ulit. Naghihintay ng oras. Kasi daw sabay-sabay dapat umuwi mga teachers. Ewan baket.

5:01PM-5:30PM- sorry, nakanga-nga pa din pala. May meeting yung mga nakatataas.

5:31PM-5:45PM- naglalakad palabas ng subdivision

5:46PM-7:00/8:00PM- bbyahe pauwi galing palengke, sa mall (kasi nga may binili, duh!), sa magtututor, maglalakad pauwi

8:01PM-8:10PM- imortal na sermon sa mga magulang kasi ata tingin nila dalisay at marupok pa ang kanilang baby girl

8:11PM-8:45PM- magdadabog sa kwarto, nakanga-nga maya-maya

8:46PM-9:00PM- lilipat sa tindahan, maghuhugas ng mga plato na nakatambak simula tanghali, magsasara ng tindahan
 *Meron pa akong 9:01PM-2:00AM kaso hindi na interesting. Kase paulit-ulit din. Ngayon, Nay, Tay, and to whom this may concern, nakita niyo na ba anong ginagawa ng baby girl niyo? May pot session ba sa schedule ko? May orgy? Inuman sesh? Lakwatsa? Wala naman…gaano. Paulit-ulit ko na lang nagagawa, unconsciously, pero hindi niyo pa din ako nagegets. Walang bayad ang overtime namin sa school for crying out loud! Pag-patak ng alas-kwatro uwing-uwi na kame. May choice naman kame pero ‘di namin magawa-gawa. Nakasakal kami sa trabaho, Nay, Tay, and to whom this may concern. Kaya sorry. Sorry kung ginagabi ang baby girl niyo madalas.

Bente Dos

Happy 22nd Birthday, Loser! Finally, naprove mo na yung theory mo na life isn’t cotton candies and rainbow dahil wala ka sa Barbie Fairytopia. Na kahit birthday mo pa hindi mag-sasawa ibang mga tao para palungkutin ka.

*back story

Simula namulat (lalim?) ako sa real world, na-observe ko na na kada dinadagdagan ako ng taon, may someone special/important na kulang.

Enumerate naten:

1) Yung Ong, mahilig sa palitaw. Nagpapakita lang kapag inacknowledge mo mga booty-calls niya. Nung birthday ko, nga-nga.

2) Si Dickhead, isang taong nagsama, kala ko lalagpas pa. Pekpek naman! Nung birthday ko, nga-nga.

3) Si Steffie Chavez (Jusko po! Tawang-tawa ako dito. Pasok mo pa yung Mateo Domingo) Akala ko naman dahil hinahatid ko na sa bahay nila every night, may kiss sabay hug (mabilis) ‘yon, pangmatagalan na. Nung birthday ko, kahit kasama ko siya sa office, nga-nga.

4) Si Tukmol, akala ko nandun nga nung birthday ko, ‘di ko makakalimutan nilibre niya ko ng X-Men: Apocalypse non kaso ilang araw lang binalikan niya dati niyang syota. So nung birthday ko, nga-nga.

Siyempre, wala ng mas nakakapagtae sa lungkot kay:

5) Sunglao, alam ko hindi na niya hawak yung oras niya kase nag-file siya ng leave sa school. Mag-ffile ata ng application para sa oath taking ng mga BLEPT passers. Nag-alas-onse na’t lahat-lahat, hindi man siya dumating. Masakit! Masakit! (Boses ni Nora Aunor tapos tinuturo ko dibdib ko. Imaginin mo na lang)
     Yung bestfriend ko for halos anim na taon saka yung isa ko pang kaibigan lang kasama ko na nagcelebrate ng birthday ko. Malungkot pero masaya din at the same time. Nakakabaliw ho opo. Kung mabasa niyo man ‘to, dapat maiyak kayo. 22 na ko, opo, mga Mesdames at Messers. May ilang taon pa ako para patunayan all-out yung theory ko yung tipong Jung, Bruner, at Skinner levels na para pag-aralan sa school.
  Happy Birthday, Loser!

Maraming salamat sa iyong pagbabalik!

Muli mo na namang ginulo ang buhay kong dati ng tahimik.

Hindi ko alam kung ako ba ay matutuwa.

Pero ang alam ko ngayon sa sarili ko ako ay naaawa.

Ngayong gabi ika’y sumuko.

Ngayong gabi mas naintindihan ko ang puso’t isipan mong hapo.

Ngayong gabi ikaw ay may nasaktan.

Ngayong gabi ako’y iyong iniwanan.
Sa totoo neto, noon pa man hindi na kita maintindihan.

Sa totoo neto, hindi ko alam kung talaga bang puso ko’y nakuha mo.

Sa totoo neto,puso ko’y iyong sinagasaan.

Pero sa totoo neto, ayaw kitang pakawalan.
Hindi ko alam paano pa ako ngingiti

Sa mga umaga’t gabing tayo’y magkausap.

Ganito na lang ba ang iyong igaganti?

Sa mga tulong ko’t pagtanggap?
Umaasa pa rin na tayo’y magka-ayos.

Umaasang ako’y muling isipin mo.

Umaasang hindi dito dito magtatapos

Ang kalokohang naisip nating pasukin ko.

Oo, sige, gusto kita.

Kung malalaman mo ‘to yung linya mismo sapat na ba?

May mga dapat ba akong gawin o sabihin pa para hindi ka na maguluhan pa?

Teka, manong, para! Sawa na kong maging tanga!