So nung isang araw, sinubukan kong saktan sarili ko.
Hindi pala madali. Madami kang iisipin. Madami kang icoconsider.
Nahiwa lang naman yung wrist ko. Bute makapal balat ko.
Mahapdi pero parang kulang. Parang gusto mong dagdagan.
Naalala ko yung belt ko sa bag. Yung leather. Natakot ako na medyo naexcite na baka matibay naman ‘yon kung isasabit ko sa may bintana at ipapalupot sa leeg ko.
Kaso naalala ko…
Sila nanay at tatay gusto akong makitang bumangon,
Ang pamilya ko nakaabang kelan ako lilipad paCanada,
Hindi pa ako nakakabili ng Nintendo Switch,
Wala pa akong sariling bahay at kotse,
At baka magkaron pa ng konting pakealam sakin ang partner ko.
Kaya inalis ko sa isip ko ‘yon.
Kaso kada nakikita kong malungkot siya,
Nakikita kong nasasaktan siya,
Nararamdaman kong hindi ako ang mang-iiwan kung hindi siya,
Bumabalik sa isip ko na parang gusto kong ituloy na.
Ang sarap ng ulam ngayon.
Stuffed pusit tapos isasawsaw sa toyo na maanghang.
Paborito ko ang maghiwa ng mga gulay at mga rekado sa mga lutuin,
Pero habang ginagawa ko iniisip ko hanggang saan kaya yung sakit na kaya kong tiisin kung sa sarili ko ganun nga ang gagawin?
Sinabi ko na lahat ng totoo, hinalukay mo pati personal na espasyo ko.
Sa loob ko sobra akong nag-aalburoto,
Dahil muli, ibinabalik mo ang nakaraan ko.
Masakit, pero kailangan kong tiisin,
Mahirap dahil hindi ko madalas na binubuksan ang aking saloobin,
Titiisin ko na lamang na ako ay tratuhin mo ng ganito,
Dahil sa paniniwala mo, kung ano na lang naiisip mo ay ‘yun ang totoo.
Ilang beses mo ng binalak na ako ay hiwalayan,
Sa buong buhay ko, ang ganitong kalinaw na kinabukasan sayo ko lang nasilayan.
Dadalhin kita sa ibang bansa at bubuo tayo ng pamilya,
Bubuo tayo ng sarili nating kinabukasan na tayo ang magkasama.
Pero dahil nga wala kang pinapaniwalaan sa aking mga sinasabi,
Mabuti na sigurong manahamik na lamang at sakit ay isarili.
Mga balak sa sarili na balat ay bubuksan,
Umaasang baka eto na nga lang ang kalunasan.