Bakit, Papa? Get Get Aw!

Siguro hindi mo napapansin,

O baka sobra lang akong nakatutok sa bawat sandali.

Siguro ayaw lang nating aminin,

Kaya patuloy pa din tayong nagkakamali.

Nang nagkamali ng minsan ako pa rin ay iyong pinatawad.

Pero bakit tila ngayon napagtatanto kong nalalayo tayo ng patuloy sa katotohanang hubad?

Noong una tayo ay parehas na masaya,

Pero sa katagalan lahat ay naglaho na.

Mga bagay na sakin ay iyong itinatago,

Mga salitang naririnig na lalo kong ikinabibigo.

Kung mahal mo ang isang tao,

Hahayaan mo siya sa kanyang mga naisin.

Kung mahal mo ang isang tao,

Pipilitin at pipilitin mo siyang tiisin.

Pero bakit pakiramdam ko palagi pa din akong nagkukulang?

Ano pa ba ang kailangang gawin

Para pangangailangan mo ay mapunan?